Kumpiyansa ang Philippine Utility Vehicle, Inc. (PUVI) na mahigit sa 500 bagong unit ng electric jeepney ang bibiyahe na sa mga lansangan ng Metro Manila sa 2015 bilang kapalit sa mga karag-karag na jeep na may luma at mausok na makina na tumatakbo sa krudo.

Sinabi ni Ferdi Raquelsants, pangulo ng PhUV, tukoy na nang gobyerno na ang mga jeepney na tumatakbo sa kurdo ang pinagmumulan ng polusyon sa Metro Manila at tumitindi na ang panawagan na ang mga ito ay i-phase out na.

“Nakikita na naming ang pagdami ng e-jeepneys bilang alternatibong mass transportation. Ito ay dahil sa 15-year old limit sa mga PUJ (public utility jeepney) na ipatutupad na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB),” ayon kay Raquelsantos.

Inihayag ni PhUV Salas Manager John Marasigan na nag-deliver na ang kanilang kumpanya ng e-jeepneys sa dalawang malaking institusyon na makakalikasan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Inilunsad na ng Filinvest City sa Alaban ang 360-Eco Loop project sa paggamit ng 20 bagong e-jeepney upang masakyan ng kanilang mga locator, empleyado at customer sa modernong business district,” pahayag ni Marasigan.

Kamakailan, gumamit na rin ang Ateneo de Manila University ng apat na e-jeepney sa school campus nito na may kasamang charging station na kinumpuni ng Manila Electric Company (Meralco).

Ang PhUV ay ang siya ring supplier ng mga electric vehicle, na kinumpuni sa Pilipinas, sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Kabilang dito ang mga lokal na pamahalaan, paaralan, resort at ang tanyag ng Makati Green Route na nagbibigay serbisyo sa mga empleyado ng Makati Business District.