VENUS Raj

BAGONG milestone sa career ng ating Miss Universe 2010-runner-up na si Venus Rajang subukang magdrama na malayo sa hosting na madalas i-assign sa kanya.

Dati siyang napapanood sa Umagang Kayganda, sa entertainment segment nito at kasalukuyan namang host din ng Business Flight na travel show ng GMA News and Current Affairs tuwing Linggo.

Ngayo’y balik-Kapamilya si Venus at susubukan ang galing niya sa pag-arte. Mapapanood ngayong gabi sa Maalaala Mo Kaya ang pagganap ng beauty queen from Bicolandia, ang tinaguriang “homeland of beauty queens,” bilang si Christine Balaguer, isang deaf-mute beauty queen na sumali sa Bb. Pilipinas pageant.

National

Pinili ng Santo Papa: Rector ng Quiapo Church, bagong obispo ng Diocese of Balanga

Pahayag ni Venus Raj, most challenging ang ipo-portray niyang role bilang Pinay beauty na pipi at bingi na punumpuno ng pangarap sa buhay.

“I have to act and show different emotions without saying a single word,” sey niya.