Halos dalawang oras matapos dumating mula sa Sri Lanka, naramdaman na ni Pope Francis ang kaibahan ng Manila, sinabi ni Vatican spokesman Federico Lombardi.
Sa Sri Lanka, ang papa ay sinalubong ng mga tradisyunal na sayaw sa saliw ng tradisyunal na musika na tinugtog ng mga tradisyunal na instrumento. Mayroon ding mga elepante.
“But here, we have had thousands of young people, doing also dances, but in a different way,” natatawang sabi ni Lombardi sa mga mamamahayag. Ang mga nagtanghal na kabataan ay nakasuot ng puting T-shirts sa Villamor Airbase at sumayaw sa saliw ng pop music.
“We felt immediately that the situation, the cultural situation and the spiritual situation, is different,” ani Lombardi. Sinabi rin niya na ang Colombo ay isang malaking lungsod, ngunit ang Manila ay isang “megalopolis” ng mahigit 10 milyong mamamayan.
“We feel immediately a different situation in the sense that I think there are new aspects of this trip,” aniya, nang hindi nagbibigay ng detalye. Ang first encounter ng papa “with these millions of people gives us an idea of what will be the importance of the presence of the pope for the Filipino people these days.”