Naaresto ng mga barangay tanod ang isang tulak ng iligal na droga sa isinagawang anti–drug operation sa Barangay Batasan, Quezon City iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ang suspek na si Nelson Albia, 34, ng No. 12 Maya St., Barangay Batasan, Quezon City, na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Batasan Police Station 6 matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu.

Base sa report ni Myrna Millan, Police aid ng QCPD PS 6, dakong 12:30 ng madaling araw noong Huwebes, may tumawag sa Barangay Hall ng Batasan at inulat na nagtutulak ng shabu ang suspek sa Maya St. Agad na sumalakay ang mga barangay tanod na sina Ricky Velasco, Oscar Alcansado at Jonathan Bringino at nahuli sa akto si Albia. Nakuha sa kanya ang tatlong sachet ng shabu.

Dinala ng mga tanod sa himpilan ng pulisya ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165, Dangerous Drug Act Law of 2002.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras