LITERAL na level-up ang lifestyle program ng GMA News TV na Taste Buddies dahil magwo-wall climbing ang mga host na sila Solenn Heussaf at Iya Villania kasama ang mga hunk na sina Sam Adjani at Richard Hwan ngayong Sabado.

Hindi na rin kailangang lumuwas ng siyudad o mabasa ng ulan dahil meron namang indoor wall climbing facility na pwedeng puntahan sa BaseKamp store ng Market! Market!

At dahil siguradong gutom pagkatapos ng wall climbing, susubukan nina Iya at Richard ang authentic noodles ng Moshi Koshi na ang noodles ay made-in store at sariwa araw-araw. Sina Solenn at Sam naman ay mistulang mapupunta ng Hawaii dahil sa matitikmang shrimp dishes sa Shrimp Shack. Samahan din si Steven Silva na tikman ang masasarap na pizza sa Mad For Pizza.

Tampok din sa Taste Buddies ang paggawa ni Iya ng DIY calendar at ipapakita naman ni Solenn ang nauusong fashion color ngayong 2015, ang deep wine red shade ng Marsala.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Isa na namang fab, fresh at fun Saturdate ang mapapanood ngayong Sabado sa Taste Buddies, 8:45 PM, sa GMA News TV