MABUHAY si Pope Francis, ang ika-266 Papa sapul nang itatag ang Kristiyanismo ni Kristo at hirangin si Apostol Pedro bilang Unang Papa na gagabay sa kanyang mga tagasunod. Ilang libong taon na ang Kristiyanismo, partikular ang Katolisismo, kumpara sa ibang mga sekta ng relihiyon na nagsusulputan at umaangkin na sila ang tunay na relihiyon ng Panginoon. Anyway, kahit na anong uri ng relihiyon o pananampalataya, basta naniniwala sa existence ng Diyos at gumagawa ng mabuti sa kapwa, okey lang ito. Ewan ko lang sa mga atheist at agnostic.

Habang naririto sa Pilipinas si Lolo Kiko, nakaalerto ang PNP, AFP, Philippine Coast Guard at iba pang mga ahensiya ng gobyerno laban sa mga terorista at elementong kriminal na nagbabalak gumawa ng karahasan laban sa Papa.

Si Pope Francis ang pangatlong Papa na dumalaw sa ating bansa. Ang una ay si Pope Paul VI noong 1975. Ang pangalawa ay si Pope John Paul II na makalawang bumisita sa bansa. Sila ay kapwa pinagtangkaang paslangin. Hindi katakataka na posibleng may magtangka rin ng masama kay Pope Francis sa kanyang pagdalaw sa Pinas. Mapalad ang 1.5 bilyon Katoliko sa pagkakaroon ng isang lider na minsan daw ay nagsabi kay Cardinal Tagle ng ganito: “Tandaan mo na sa pagpunta ko sa Pilipinas, hindi ako ang dapat pagtuunan ng atensiyon kundi si Kristo.” Talagang simple at mababang-loob ang ating Lolo Kiko, siya ang tunay na “People’s Pope” na nakikisalamuha sa mga taong-kalye, humahalik at nagkakarga sa mga bata at maysakit, at naghuhugas ng mga paa ng mahihirap, kabilang na ang Muslim.

Mukhang lalong nadidiin si Sen. Jinggoy sa usapin ng PDAF. Sa report na isinumite ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa Sandiganbayan, lumalabas na ang kanyang penmanship ay “halos katulad” daw ng handwriting sa ilang tseke na inisyu ng isang Juan Ng kung kaya naniniwala ang AMLC na si Jinggoy rin ang may kontrol sa tatlong bank accounts ni Ng upang makuha niya ang umano’y milyun-milyong pisong kickbacks mula sa kanyang pork barrel projects kasabwat si Janet Lim Napoles.
National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte