Binalaan ni POEA Administrator Hans Leo J. Cacdac ang mga gustong magtrabaho sa Canada na berepikahin mabuti ang mga alok na trabaho, lalo mula sa immigration consultancy firm.

Ginawa ni Administrator Cacdac ang abiso nang iparating sa kanya, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Office (POLO) sa Toronto, ni Mr. Eric Johansen, director ng Immigration services, Ministry of Economy ng Saskatchewan Province, na nangangalap ng OFW ang GoWestJobs gamit ang employment contracts at labor market opinions (LMO) na peke ang pirma.

Pinayuhan ni Cacdac ang mga OFW na may-hawak ng kontrata at LMO na may pekeng pirma na gumawa ng sinumpaang salaysay at isumite sa kanilang tanggapan upang malapatan ng karampatang hakbang tulad ng pagsasampa ng kaso laban sa GoWestJobs.
Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race