Nananawagan si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ng pakikiisa ng mamamayan sa pagbisita ni Pope Francis upang matiyak ang seguridad nito at kaligtasan ng milyun-milyong Pilipino.

Sa media briefing, nilinaw ni Roxas na ang banal na misa ng Santo Papa ay magsisimula sa ganap na 3:30 sa Linggo.

Ipinaliwanag niya na ang mga lugar sa paligid ng Quirino Grandstand sa Rizal Park ay hahatiin sa mga grid na may dalawang layunin.

“Magsislbi itong buffer kaya ito ‘yung tinatawag na breaker para kung magkatulakan ay may pupuntahan ang mga tao sa emergency exit para kung may kailangang dalhin sa ospital ay mailalabas mula sa karamihan ng mga tao,” paglilinaw ni Roxas.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanawagan siya sa mga mamamayan na hayaang bukas o huwag harangan ang daanan sa pagitan ng mga grid para makaikot si Pope Francis at makalapit sa mga tao.

Ani Roxas, ang bawat grid ay tatauhan ng walong pulis, 400 AFP reservists, walo hanggang sampung DoH personnel, walo hanggang sampung Red Cross volunteers at dalawang marshals.

Idinagdag niya na ang mga health personnel ay matatagpuan sa loob ng mga tolda na may mga kaukulang kagamitan na pang-emergency na tulad ng tubig at oxygen tanks.

“Ang bawat grid ay markado para madaling makilala ng mga tao at ginagamit natin dito ang ‘whole of PNP approach’ upang matiyak ang seguridad ng Santo Papa na dumating kamakalawa sa bansa. “