Nagpasa ng resolusyon ang mga miyembro ng Caloocan City Council na nagbibigay ng pahintulot kay Mayor Oscar Malapitan, upang mapalawig ang pagbabayad ng business permit nang walang kaukulang penalty.

Nakasaad sa resolusyon ng Konseho na ang dating deadline ng pamahalaang lungsod na Enero 1-20, 2015 ay palalawigin hanggang Pebrero 5, 2015.

Ayon kay Malapitan, dapat bigyan ng panahon ang mga tax payer na makapagbayad ng kanilang business permit, dahil mahaba ang naging holiday pagpasok ng 2015, partikular dahil sa pagdating ni Pope Francis sa bansa.

“There is a strong clamor from the ranks of business owners that the deadline for payment of fees and taxes be extended in order to provide more time for them to comply with their obligations,” anang alkalde.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit pa ng alkalde na hindi dapat higpitan ang mga tax payer, lalo na sa kanilang obligasyon, dahil malaki ang papel ng mga ito sa pag-unlad ng isang lungsod.