MATAGAL-TAGAL na ring artista si Nico Antonio, eldest sa mga anak ni Atty. Joji Alonso na may-ari ng Quantum Films.

Mahusay na artista, ilang beses na ring nanalo ng award si Nico na hindi tumatanggi sa kahit anong role, mabait man o masamang character, kahit bilang beki, okey lang sa kanya. Ang katwiran niya, artista siya at hindi siya dapat tumanggi sa anumang role na ibibigay sa kanya ng director.

Tulad ng ina at dalawa niyang kapatid (na pawang mga lawyer na), kumuha rin ng Law si Nico, pero kahit siya ang eldest, last 2013 lamang siya naka-graduate at hindi pa rin siya kumukuha ng bar. Madalas kasing naiisantabi ang pagri-review niya dahil sa pag-aartista plus nag-asawa na rin siya.

Kailan siya kukuha ng bar?

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Hindi na muna, gusto ko munang kumuha ng Filmmaking,” sagot ni Nico sa presscon ng latest movie niyang ipinalabas sa New Wave Division ng 2014 Metro Manila Film Festival, ang M (My Mother’s Maiden Name). “Ako na kasi ang magma-manage ng Quantum Films, at kailangan ko rin naman ang mga napag-aralan ko sa Law sa mga kontratang papasukin namin sa mga artista, sa mga kasama sa production.

“Nawalan na rin kasi ako ng gana, siguro tama na iyong pareho na ring abogado ang dalawa ko pang kapatid, a sister and a brother. Hindi ko na rin makita ang passion ko sa pinag-aralan ko, plus mas mabuting magtrabaho na ako dahil lumalaki na rin ang anak ko.

At sasabihin ko na rin na takot akong baka hindi ako makapasa kapag kumuha ako ng bar. Nakakahiya kay Mommy who’s 16th place sa bar nang kumuha siya.”

Mabuti at pinayagan siya ng mommy niya na huwag na munang kumuha ng bar at mag-focus na lamang sa filmmaking.

“Actually, siya po ang nag-suggest sa akin dahil nakita nga niyang nawalan na ako ng gana. Nagustuhan ko na rin ang idea at this year, kukuha na ako ng Filmmaking.”

So, kahit siya na ang magha-handle sa Quantum Films, patuloy pa rin siyang aarte?

“Yes, hinahanap din naman ng katawan ko ang pag-arte. Nasa Star Magic ako at co-managed ako ni Mommy, pero p’wede rin akong gumawa ng project sa GMA Network, kahit sa TV5. Iyong mga offers, dumarating sa kanya at ipinararating niya sa Star Magic, sila na ang nag-uusap.”

Paano kung beki ang role niya at may kissing scene?

“Hindi mo naman p’wedeng tanggihan ang director mo. Dito sa M pang-fourth time ko nang gumanap na beki pero aaminin ko, hirap ako sa kissing scene pero gaya nga ng sabi ko, hindi ko p’wedeng tanggihan ang director ko.”

May bagong project si Nico na isu-shoot sa Vigan, isang indie-teleserye na produced ng Ateneo University. Twelve episodes ito pero hindi pa niya alam ang lahat ng detalye at kung kailan sila magsisimulang mag-shooting.

Bago natapos ang usapan namin ni Nico, he volunteered to announce na matutuloy na ang first co-production venture ng mommy niya kay Mother Lily Monteverde na pagbibidahan nina Kris Aquino at Derek Ramsay. Inamin niyang maayos na ang kaso ni Derek sa ABS-CBN through the Queen of All Media.

Tinanong namin si Atty. Joji kung follow-up ito ng very successful MMFF entry niyang English Only, Please.

“Yes, pero uupuan pa namin kung ano ang magiging story na si Chris Martinez ang magdidirek,” susog naman ni Atty. Joji. “May naisip na akong story pero gusto ko munang marinig ang suggestions nina Direk Chris at nina Derek at Kris.”