Jennylyn Mercado

PINAG-USAPAN at pinalakpakan ang pagganap ni Jennylyn Mercado sa English Only, Please na nagbigay sa kanya ng best actress award sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Ngunit bago pa man dumating ang kanyang award-winning role, nagpamalas na siya ng kakaibang galing sa isang episode ng Magpakailanman na pinamagatang “May AIDS ang Asawa Ko.”

Isinabuhay ni Jennylyn ang kuwento ni Melissa Fernando (hindi tunay na pangalan), isang babae na natuklasang ang lalaking minamahal niya ay may iba’t ibang naging kalaguyo bilang seaman. At bukod sa kahihiyan dulot ng pagloloko nito, hinawaan din siya ng asawa ng sakit na AIDS.

Paano hinarap ni Melissa ang kinabukasan na wala nang kasiguruhan? Paano kung malaman niya na ang sakit na nakuha sa asawa ay nasa katawan na niya bago pa siya manganak? Paano kung nakuha rin ito ng anak nila?

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Anong buhay ang naghihintay para sa mag-ina?

Balikan ang natatanging pagganap ni Jennylyn Mercado bilang isang ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak, at bilang isang babae na nagtiwala, nagmahal, at natutong lumaban sa sunud-sunod na dagok sa kanya ng buhay.

Itinatampok din sa episode na ito sina Mark Herras, Gwen Zamora, Kathleen Hermosa, at Bing Davao mula sa direksiyon ni Laurice Guillen. Huwag palagpasin ang Magpakailanman ngayong gabi, sa GMA-7.