Inigo Pascual

KINAUSAP ni Piolo Pascual nang masinsinan ang anak na si Iñigo Pascual ngayong full time na ito sa showbiz.

“Kasi first time niyang mag-try sa online schooling, eh, sabi ko sa kanya, ‘Pag bumagsak ka, wala tayong pag-uusapan, you have to go back to regular school. That’s my only deal.’

“Because he’s third year, one more year, and my compromise is grumadweyt siya sa regular school ng fourth year. So, he’s gonna be here for a year and second sem niya ng fourth year, regular school na siya,” kuwento ni Piolo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Paano siya napapayag ng anak na pasukin na ang showbiz gayong hindi pa nito natatapos ang high school, unang kasunduan nila noong una itong umungot na gusto ring mag-artista?

“We asked him. He’s open naman what he wants. Kasi ako talaga, if you ask me, tapusin muna ‘yung high school. Bahala ka sa buhay mo ‘pag eighteen ka. Pero there are opportunity, offers, sige, tingnan natin. Pero it’s the same, my condition still stands.

“You have to make sure na pumapasa ka sa school dahil kung hindi, I’ll kick you out (showbiz) and wala tayong pag-uusapan.”

Natatawa pang kuwento ni Piolo, ngayong nasa Pilipinas na ang anak ay saka naman mas nahirapan na silang magkita.

“Akala ko nga mas madali ngayon, eh. But I just realized na mas busy pa siya sa akin. So, parang nadagdagan pa ‘yung problema namin kasi we hardly have time for each other. Ngayon, parang I will ask his manager kung kailan siya bibigyan ng day-off, para ako naman ang makapagpa-adjust doon.

“Mahirap, pero at least he’s earning his own money. Hindi ko naman kailangang problemahin ‘yun, gusto niya, eh,” sabi pa ng aktor.

Hindi itinanggi ni Piolo na kasama sa usapan nilang mag-ama ang nanay nitong non-showbiz.

“We keep an open line. Everything, mutually, kumbaga, hindi lang naman na gusto niya, gusto ko. Siyempre, si Iñigo, kahit seventeen na, bata pa rin ‘yun. So, we decide for him, for now,” say ng aktor.

Sa sobrang pagiging proud si Piolo sa anak kaya naibuking tuloy niya na kasali pala ito sa pelikula nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na There Was A Boy, There Was A Girl sa Star Cinema bilang ka-love triangle sa direksiyon ni Mae Cruz at sa Pebrero ipapalabas.

Biglang naalala ng aktor na hindi pa naglalabas ng detalye ang Star Cinema kaya nasabi niyang, “Oh, my big mouth.”

Pero sino ba naman ang magulang na hindi magiging excited sa career ng anak lalo’t kaliwa’t kanan ang projects at bida pa sa pelikula nila ni Julia Barretto sa Viva Films at sa umeereng Wansapanataym Presents Wish Upon A Luis.

At sa edad na 17 ay milyonaryo na pala si Iñigo at hindi kinakalimutan ng ama na pagsabihan kung paano sisinupin ang kinikita.

“Good thing with Iñigo, he’s not spender naman, he’s kuripot nga, so at least alam niya kung paano ang gagawin niya sa kinikita niya,” kuwento ni PJ.

Samantala, natawa si Piolo nu’ng tanungin kung paano siya inalok bilang endorser ng Silka Papaya Soap lalo na’t sa pakiramdam mismo niya, sa edad na trent’y otso ay masyado nang late. Si Iya Villania na labing isang taon ng endorser ng Silka Papaya Soap ang female encounter ni Piolo.

“Thank you, Silka for considering me, to be part of it, for all these years, I’ve never thought endorsing a whitening soap. I’ve never been into whitening, I like being in the sun and it also helps like taking care of my skin by using Silka, so it’s a soap, it’s a beauty soap that would help,” sey ni Piolo.

Nakuwento rin ni Piolo na dalawang minuto lang siya sa shower at hindi naman siya vain kaya timing ang Silka Papaya Soap.

“Shampoo at sabon lang naman ako, okay na, ‘pag may lakad ako saka lang ako naliligo. ‘Pag nasa bahay lang ako hindi na ako naliligo,” natawang kuwento niya.

Pinuri namin ang new look ni Piolo ngayon na military cut at nagmukha siyang bata na parang early thirties lang.

“Ha-ha-ha, nako-conscious tuloy. Para hindi na ako magtagal sa banyo, wala na ako masyadong sina-shampoo,” katwiran niya.