IMUS, Cavite – Isang guro sa pampublikong paaralan ang natagpuang patay sa ilalim ng isang tulay sa Silang, Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Arvin Poblete Bayot, 31, residente ng Barangay Iba, Silang.

Nadiskubre ng mga residente ang bangkay ni Bayot sa tulay ng Malaking Ilog sa pagitan ng Barangays Pooc II at Iba dakong 6:20 ng umaga.

Hindi na halos makilala ng kanyang mga kamag-anak ang biktima bunsod ng tinamong basag sa mukha.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Inaalam na ng awtoridad kung sinu-sino ang mga huling nakasama ni Bayot bago ito natagpuang patay, upang magbigay-linaw sa insidente. - Anthony Giron