DAhil sa paghingi at pagtanggap ng salapi mula sa mga may kaso, ipinag-utos ng Korte Suprema ang pagsibak sa serbisyo ng isang court interpreter sa Basilan.
Napatunayan ng Supreme Court en banc, sa pamumuno ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, na guilty sa grave misconduct si Padma L. Sahi, court interpreter ng 2nd Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Sumisip, Maluso at Lantawan, Basilan.
Bukod sa pagsibak sa serbisyo, ipinakakansela rin ng kataastaasang hukuman ang retirement benefits ni Sahi, maliban sa leave credit, at pinagbawalan din siyang magtrabaho sa alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
Ang kaso ay nag-ugat sa reklamong administratibo na inihain ni Judge Juan Gabriel H. Alano, ng 2nd MCTC, laban kay Sahi sa pagtayo nito bilang “padrino” sa mga may nakabimbin na kaso na hiningan nito ng salapi bilang kapalit sa paborableng desisyon.
Inireklamo rin ni Alano ang madalas na pagliban sa trabaho ni Sahi nang hindi nagsusumite ng official leave application nang mahigit sa 30 araw simula Hunyo 18, 2008