Bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa, pansamantalang pinutol ng mga telecommunication company ang signal ng mga cell phone, partikular sa maraming lugar sa Metro Manila, na pagdarausan ng malalaking pagtitipon kasama ang Papa.

”We apologize for the temporary interruption of mobile phone services last night (Thursday) which was ordered by government authorities in the interest of public safety,” pahayag ng Smart Communications, Inc. sa text message na ipinadala sa mga subscriber.

”Please bear with us if similar situations occur in the next few days during the Papal Visit. Thank you for your patience and understanding,” dagdag ng Smart company.

Matatandaan na pansamantala ring pinutol ng mga telecom company ang cell phone signal sa mga nakaraang traslacion ng Poong Nazareno sa ilang lugar sa Maynila. (PNA)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho