ROXAS CITY - Tatlong lalaki na umaming mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa awtoridad sa Capiz.

Ayon kay Lt. Col. Victor Llapitan, commanding officer ng 61st Infantry Batallion ng Philippine Army, kinilala lang ang mga sumuko sa mga alyas na Alen, Mica at Tommy. Sila ay pawang miyembro ng Central Front-Komiteng Rehiyon ng Panay.

Ayon kay Llapitan, pamilya ang pangunahing dahilan ng kanilang pagbabalik-loob sa gobyerno.

Ang mga sumukong rebelde ay nakabase sa hangganan ng Dumalag, Tapaz, at Jamndan sa Capiz.
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol