Arestado ang isang tauhan ng airport police matapos magtangkang makalapit sa convoy ni Pope Francis sa Pasay City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni Pasay City Police Station chief Senior Supt. Sidney Hernia ang naaresto na si Cpl. Virgilio Perez, 61, ng Manila International Airport Authority (MIAA)-Police Department at residente ng P. Burgos Street, Barangay San Roque, Pasay City.

Ayon kay Hernia, dakong 6:30 ng gabi noong Huwebes nang tangkain ni Perez na lundagin ang mga concrete barrier sa Domestic Road habang papalapit ang convoy ni Pope Francis.

Nang sitahin ng mga tauhan ng perimeter security, sa pamumuno ni Insp. Elojah Edison, idinahilan ni Perez na nais niyang makalapit sa Papa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Bukod sa tangkang paglapit sa papal convoy, may dala ring itim na backpack si Perez na mahigpit ding ipinagbabawal ng pulisya sa mga sasalubong sa Papa.

Nadiskubre sa loob ng backpack ni Perez ang isang .9mm pistol na may 14 na bala.

Napag-alaman din na hindi naka-unimporme si Perez nang mangyari ang insidente. - Jean Fernando