SA pagsalubong ng buong bansa kay Pope Francis, ABS-CBN ang nangunguna sa paghahatid ng kanyang mga mensahe ng malasakit at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng malawak at komprehensibong coverage sa makasaysayang papal visit.

Sama-samang sinasalubong ang santo papa anumang oras at saanmang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng pagtutok sa iba’t ibang media platforms ng ABS-CBN na nagdadala ng pinakahuling balita ukol sa papal visit: ABS-CBN Channel 2 sa free TV, ABS-CBN News Channel (ANC) at DZMM TeleRadyo sa cable, DZMM Radyo Patrol Sais Trenta sa radyo, at online sa kani-kanilang websites at social media accounts.

Iniere nang live ng ABS-CBN, ANC, at DZMM ang mga misang pinangunahan ni Pope Francis kahapon sa Manila Cathedral at ganoon din ang isasagawang misa sa Tacloban ngayong araw at sa Luneta bukas. Magkakaroon ng libreng public viewing ang ABS-CBN ng misa sa Luneta sa Alabang Town Center, Glorietta, Trinoma, Fairview Terraces, Market Market, at Harbor Point sa Metro Manila at sa higit sa 50 lugar sa buong bansa.

Walang humpay na coverage ang hatid ng ANC na nagbibigay ng tuluy-tuloy na live reports mula sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan ni Pope Francis .

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nakipagsanib puwersa rin sa coverage ang citizen journalism arm ng ABS-CBN na “Bayan Mo, iPatrol Mo” na magdedestino ng Bayan Patrollers o Pope Patrollers sa Maynila at Tacloban. Sila ang magpapadala ng mga litrato at video na laman din ang mga reaksiyon at damdamin ng mga tao sa kabuuan ng limang araw na papal visit.

Matatagpuan ang mga ulat ng Pope Patrollers sa sa ABS-CBNNews.com/PopeFrancisPH, na siya ring naglalaman ng interactive multimedia features at TV reports tungkol sa santo papa.

Bukod sa TV, radyo, at social media, maaaring subaybayan ng mga Pilipino sa kani-kanilang mobile devices ang paglilibotg ni Pope Francis sa consolidated videos at features ng ABS-CBN sa PopeTYSM (Pope Thank You Sa Malasakit) channel na matatagpuan sa iWanTV.com.ph at sa iWanTV app gamit ang ABS-CBNmobile SIM.

Para naman masubaybayan ng mga Pinoy sa ibang bansa ang papal visit, handog ng The Filipino Channel (TFC) ang espesyal na live coverage ng event mula Enero 17 hanggang 19 at ang dokumentaryong Pope Francis: In the Eyes of Four Filipinos tampok ang apat na pari at ang kani-kanilang hindi malilimutang karanasan sa Holy See.

Sa pangunguna ng Vatican media correspondent na si Lynda Jumilla, inihahatid ng ABS-CBN ang Thank You sa Malasakit: Pope Francis sa Pilipinas coverage kasama ang mga batikang mamamahayag na sina Noli de Castro, Korina Sanchez, Ted Failon, Tina Monzon-Palma, Karen Davila, Ces Drilon, Julius Babao, Alvin Elchico, Bernadette Sembrano, Henry Omaga Diaz, Vic Lima, Bro. Jun Banaag, Winnie Cordero, Ariel Ureta, Pinky Webb, TJ Manotoc, Ron Cruz, Coco Alcuaz, Gigi Grande, Karmina Constantino, at David Celdran.

May kampanya rin ng pagpapasalamat kay Pope Francis sa kanyang mensaheng “mercy and compassion” sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag na #PopeTYSM sa social media upang magpadala ng personal na mensahe at dasal para sa santo papa o sa pamamagitan ng pagbisita sa kapamilyathankyou.com. Ang lahat ng posts na ito ay makikita sa abs-cbnnews.com/popefrancisphwall at ang ilan sa mga ito ay may pagkakataong maisama sa Book of Thanks na iaabot kay Pope Francis sa kanyang paglisan sa bansa.

Huwag magpahuli sa mga pinakahuling pangyayari sa papal visit sa pagtutok sa Pope Francis sa Pilipinas coverage ng ABS-CBN Channel 2, ANC (SkyCable Channel 27), DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), DZMM Radyo Patrol Sais Trenta, ABS-CBNNews.com, anc.yahoo.com, at dzmm.com.ph. Sundan din sa Twitter ang mga pinakasariwang updates sa @ABSCBNNews, @ANCALERTS, @DZMMTeleRadyo, at @bayanmo. Panoorin din ang coverage ng SKyCable sa Channel 99 (SD) at Channel 195 (HD).