Tuloy ang voter’s registration at validation ng rehistro sa National Capital Region (NCR) kahit pa dumating na sa bansa si Pope Francis para sa kanyang limang araw na Apostolic Visit.
Sa kanyang Twitter account na @jabjimenez, partikular pang binanggit ni Commission on Elections (Comelec) spokesman James Jimenez ang mga petsang Enero 15, 16, 18 at 19, kung kailan magpapatuloy aniya ang pagrerehistro ng mga botante para sa 2016 presidential elections.
“ACHTUNG! voter registration and validation sa NCR, TULOY! Jan 15, 16, 18, and 19. Pls RT. #VoterReg2015,” tweet pa ni Jimenez.
“REMINDER: Meron pong voter registration and validation sa NCR, sa Jan 15, 16, 18, and 19. Please be advised, RT and share. #VoterReg2015,” tweet naman ng Comelec, gamit ang official Twitter account nito na @COMELEC.
Matatandaang idineklarang holiday ng Malacañang ang Enero 15-19, o ang mga petsa kung kailan nasa bansa pa ang Santo Papa