UNITED NATIONS, United States (AFP) – Isang kontrobersyal na kumperensiya sa gender equality ang nagbukas sa United Nations noong Miyerkules na nakatuon sa paghikayat sa kalalakihan na isulong ang women’s rights.

Inorganisa ng Iceland, tinipon ng “Barbershop Conference” ang global ambassadors at mga opisyal ng UN para sa isang pag-uusap sa kung ano ang magagawa ng kalalakihan upang masupil ang karahasan laban sa kababaihan at maisulong ang pagkakapantay-pantay.

Ang Iceland, tahanan ng unang babaeng presidente ng Europe, ay unang binansagan ang event na men-only conference ngunit nagpasyang isama ang kababaihan sa ilang sesyon bilang tugon sa mga kritisismo.

“There is a need to engage men more,” ani Iceland’s Ambassador Greta Gunnarsdottir sa AFP. “When you look at meetings on gender equality, wherever you go, the vast majority are women in attendance.”

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“The point is not to exclude women, but to include men,” aniya.

Ang temang barbershop ay naglalayong mabigyan ng puwang ang kalalakihan na malayang magsalita – kahit sa United Nations kung saan mahigit 160 sa 193 ay kinakatawan ng kalalakihan.

Ang sesyon ay nakapokus sa ilang nakababagabag na statistics: isa sa tatlong kababaihan sa buong mundo ay makararanas ng karahasan sa kabuuan ng kanilang buhay; pagsapit ng edad 12, 1 sa 4 na batang babae ay makararanas ng street harassment.