Nagkaloob ang Quezon City government ng tax amnesty sa mga tax payer na hindi nakapagbayad ng kanilang real property tax sa loob ng limang taon sa lungsod.

Inaprubahan nitong nakalipas na taon ang City Ordinance No. SP 2363 o An Ordinance granting relief to real property taxpayers who have incurred more than five(5) years of delinquent property taxes.

Iniakda ang naturang ordinansa ni 1st District Councilor Victor “Jun” Ferrrer Jr., upang bigyan pagkakataon ang mga delinquent tax payers na may pagkakautang sa lungsod at hindi nakakapagbayad ng buwis.

Binibigyan ng city government ng mula Enero 5, 2015 hanggang Hunyo 30,2015 ang mga tax payer na may pagkakautang sa buwis para ayusin ang kanilang pagbabayad sa buwis.
National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!