TARLAC CITY— Inihayag kahapon ng Tarlac Electric Inc. na makararanas hanggang limang oras na pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Tarlac City sa Sabado, Enero 17.

Ang brownout ay magsisimula 7:15 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Allied City Estates Subdivision at St. Raphael Executive Villas sa Barangay San Rafael at maging ang San Sebastian partikular ang LHD Subdivision, Rowland Subdivision, Ninas Ville Phase 1 & 2, La Puerta Del Sol Subdivision, at Getha Subdivision.

Ang pagkawala ng kuryente ay dahil sa re-configuration ng mga primary poles at upgrading ng 15KV distribution lines at maintenance check upang mapalitan at ma-upgrade ang mga wooden 15KV distribution at primary line poles mula San Sebastian Village Phase 3 hanggang Getha Subdivision.

Kaugnay nito, binanggit din ng Tarlac Electric Inc. na ang Sitio Pangulo sa Barangay Carangian ay makararanas rin ng apat na oras na brownout sa parehong araw mula 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ito ay dahil sa re-configuration at replacement ng wooden 15KV distribution lines sa lugar.
National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya