ENGRANDENG three-day celebration ang handog ng GMA Regional TV sa mga Cebuano at maging sa mga turistang makikisaya sa Sinulog Festival 2015 ng Cebu City.

Ngayong araw sisimulan nina Kristoffer Martin at Joyce Ching kasama si Angelika de la Cruz mula sa upcoming drama series na Healing Hearts ang kaabang-abang na Sinulog participation ng GMA. Magtatanghal sila sa Kapuso Mall Show sa Ayala Terraces simula 5 PM. Lalong mag-iinit ang stage pagdating ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kasama ang impersonator niyang si Ate Redg.

Bukas naman, back-to-back mall shows ang hatid ng GMA na gaganapin pagpatak ng 3 PM sa Gaisano Grand Mall ng Mactan, Lapu-Lapu City at 5 PM naman sa SM City Cebu.

Star-studded ang nasabing events na tatampukan ng lead stars mula sa primetime series na Second Chances sa pangunguna ng MMFF 2014 Best Actress na si Jennylyn Mercado kasama sina Camille Prats, Rafael Rosell, at Raymart Santiago. Makakasama rin nila ang youngest love team ng GMA — ang mga bida sa Once Upon a Kiss na sinaMiguel Tanfelix at Bianca Umali. Dagdag-kuwela rin ang hatid ng kanilang co-stars na sina Albert “Betong” Sumaya at Mike “Pekto” Nacua.

Pagdagsa ng mga pasahero sa PITX, inaasahang papalo ng 3 milyon ngayong holiday season!

Sa Linggo, January 18, sama-sama namang lilibutin nina Miguel, Bianca, Betong, at Pekto ang major streets ng siyudad bilang bahagi ng Kapuso Parade participation.

Ang highlights ng pakikiisa ng Network sa Sinulog Festival ay mapapanood sa Let’s Fiesta TV Special sa January 25 sa lahat ng GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao, Iloilo, Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod, at CdeO.