LA TRINIDAD, Benguet – Bubuuin ng Police Regional Office-Cordillera ang special investigator team na tututok sa dalawang kasong may nakalaang reward sa lalawigan ng Abra.

Ipinaliwanag ni Chief Superintendent Isagani Nerez, regional director, na dapat ay may kanya-kanyang imbestigador sa isang sensational na kaso, upang mapagtuunan ito ng pansin hanggang sa maresolba ito.

Ang mga kasong ito ay kinabibilangan ng pagpatay sa dating mediaman na si Jack Turqueza, empleyado sa Abra Provincial Prosecutors Office, tinambangan habang sakay ng motorsiklo noong Oktubre 8, 2014 sa Bangued, Abra; ang pagkamatay ng 11 taon gulang na si Jercey Tabaday Buenafe, grade 4, sa tama ng ligaw na bala sa ulo, habang sinasalubong ang Bagong Taon, dakong 12:20 ng umaga noong Enero 1.

Ang dalawang kaso ay kapwa nilaanan ng tig-P100,000 reward ng Guardians Reform Advocacy & Cooperation towards Economic Prosperity (GRACE) at karagdagang tig-P100,000 mula Abra Provincial Peace and Order Council. - Rizaldy Comanda
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists