Tanauan City, Batangas-- Natakasan ang mga awtoridad ng isang presong ilang araw na nakaratay sa isang ospital sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nakatakas ang suspek na si Gilbert Anillo, may kasong illegal drugs (RA 9165).

Dakong 5:00 ng hapon noong Enero 12 nang matuklasan ni Jail Officer 1 Benjur Pangcog na wala na sa kanyang kuwarto sa Laurel District Hospital si Anillo.

Dinala ng mga tauhan ng BJMP-Tanauan City ang suspek dahil sa sakit na cystolithiasis (sakit sa bato) noong Enero 6.
National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado