Isang prayer warriors ang binuo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa kaligtasan ni Pope Francis sa pagbibisita nito sa bansa.
Sinabi ni Col. Restituto Padilla, tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines, na ang prayer warriors ay kinabibilangan ng mga sundalo mula sa iba’t ibang relihiyon.
Ang panalangin ay pangungunahan ng Aglipayan, Islam, Christian, Baptist, Roman Catholic at iba pa na humihiling maging ligtas na maging mapayapa ang pagbisita ng papa.
Ayon kay Padilla, sinimulan ng prayer warriors ang pagdarasal noong Martes hanggang sa makaalis si Pope Francis sa bansa.