May inihandang regalo si Pangulong Benigno S. Aquino III kay Pope Francis sa pagbisita ng Papa sa Malacañang dakong 9:15 ng umaga ngayong Biyernes.

Bilang leader ng Vatican, obligadong magsagawa ng courtesy visit si Pope Francis kay Pangulong Aquino sa Malacañang kasama ang iba pang matataas na opisyal ng gobyerno at miyembro ng diplomatic corps.

Ang courtesy call ay isa sa tatlong opisyal na okasyon ni Pope Francis ngayong Biyernes.

Tumanggi si Presidential Spokesperson Atty. Edwin Lacierda na ihayag kung ano ang regalo dahil nais nila itong maging sorpresa para sa Papa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Kasunod nito, pangungunahan ni Pope Francis ang misa kasama ang mga obispo at pari sa Manila Cathedral dakong 11:15 sa umaga ngayong Biyernes, at susundan ng pakikihalubilo ng Papa sa mga maralitang pamilya sa SM Mall of Asia-Arena sa Pasay City dakong 5:30 ng hapon.

Gagawaran ng Palasyo si Pope Francis ng espesyal na pagsalubong hindi lang bilang isang bumibisitang leader ng isang bansa ngunit bilang leader ng Simbahang Katoliko.

“I think the only difference is, he will also be addressing the members of the diplomatic corps when he will have a general audience with senior government officials and the members of the diplomatic corps compared to the other heads of state but insofar as the formalities and procedures before the Palace, he’ll be accorded the formalities and dignities of a head of state,” paliwanag ng opisyal.

Inaasahang aabot sa 450 katao ang dadalo sa pagbisita ng Papa sa Palasyo. - Madel Sabater-Namit