Talagang matigas ang ulo ni Pangulong Noynoy Aquino. Maging si Sen. Serge Osmeña ay naniniwalang parang bato sa katigasan ang ulo ng binatang Pangulo. Maging ang ilang miyembro ng Gabinete ay nagpapatunay na hard-headed ang solterong Pangulo at napakahirap kumbinsihin para sa kabutihan ng bayan. Hindi raw nakikinig si Mr. Aquino sa mga payo ng kaibigan kapag ang tinatamaan ay mga kaalyado, ka-KKK at ka-Liberal Party. Di ba may mga alegasyon din ng kurapsiyon sina Sec. Abad at Sec. Alcala, at bilyun-bilyong piso pa ang sangkot sa mga ito? Pero bakit hindi sila pinagbabakasyon ni PNoy tulad ng ginawa niya kay Health Sec. Enrique Ona na hindi raw masyadong “madikit” sa Pangulo? Nag-alok tuloy ng irrevocable resignation ang low-profile na kalihim.

Mahal na Lolo Kiko, sana sa iyong pagdalaw sa aming bansa ay makatulong ka sa pagpapalambot ng matigas na ulo ng Pangulo at maging ng kanyang puso. Sana, kapag nakausap mo ang binatang Pangulo, payuhan siyang magkaroon ng mercy and compassion sa mahihirap na ngayon ay hindi makakain ng tatlong beses maghapon, nagrereklamo sa pagtaas ng pasahe sa MRT at LRT na laging tumitirik. Mr. President, nasaan na ang iyong Tuwid na Daan at Kung Walang Corrupt, Walang Mahirap? Mahal na Pangulo, ang daming naghihirap ngayon, kayrami pang walang tirahan sa sinalanta ng Yolanda sa Tacloban City at Eastern Samar. Aba, nasaan ang bilyun-bilyong pisong donasyon ng mga dayuhang gobyerno at NGOs?

Sinulat ni kaibigang columnist Mon Tulfo na bakit hindi patawarin ng Simbahang Katoliko ang tour guide na si Carlos Celdran na nagkadkad ng plakard na ‘Damaso’ habang nagmimisa sa loob ng Manila Cathedral. Sumulat naman si Celdran kay Pope Francis na patawarin na siya. Agad tumugon si Cardinal Tagle at sinabing matagal nang pinatawad ng Simbahang Katoliko (hindi Katolika) si Celdran na nag-ala Crisostomo Ibarra sa pagkondena sa mga pari na kontra sa RH Bill.

Lumalapit na ang lindol sa Metro Manila at Central Luzon. Noong isang araw, nakaranas ng 6.0 magnitude earthquake ang Zambales at mga kalapit na bayan at lalawigan. Salamat naman at walang pinsalang nalikha ang lindol. Akala nga ng iba, ang yanig ay likha lang ng pagmamahalan ng bagong kasal na kasalukuyang nasa “honeymoon mode” dahil sa lamig ng panahon!
National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>