Pinagtibay ng Korte Suprema ang nauna nitong desisyon na nagbabawal sa radio at television coverage habang inililitis ang Maguindanao massacre case.

Ayon kay SC Spokesman Atty. Theodore Te, ibinasura ng mga mahistrado ang motion for reconsideration (MR) na humihiling na baligtarin ang desisyon noong 2012 na nagbabawal sa media coverage ng paglilitis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sinabi ni Te na mas pinahalagahan ng SC ang kaayusan sa loob ng courtroom at karapatan ng mga partido sa desisyon nitong hindi payagan ang media coverage.

Una nang iginiit ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at mga kaanak ng mga biktima sa massacre na mahalaga ang live media coverage sa paglilitis lalo pa at marami sa kanila ang hindi makakadalo sa hearing na karamihan ay nakatira sa Mindanao at isa umanong paraan ang pagkakaroon ng media coverage para masiguro na umuusad ang kanilang kaso.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sa naging desisyon ng SC noong October 2012, tanging pagkakaroon ng audio-visual recordings ng paglilitis ang papayagan na ang gagamitin ay isang fixed compact camera na magbibigay na ng wide-angle full view sa loob ng courtroom na maaaring, i-transmit sa isang closed-circuit viewing areas na nasa Camp Bagong Diwa at trial court sa Maguindanao, Koronadal, South Cotabato at General Santos City, na maaaring makita ng mga kaanak ng mga biktima,ang nasabing recordings ay idedeposito naman sa National Museum at Records Management and Archives Office at nasa kontrol ni Quezon City Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Regional Trial Court (RTC) Branch 221, na syang dumidinig ng kaso.