Sukol na si WBC at WBA welterweight champion Floyd Mayweather Jr. matapos ihayag ni Top Rank promoter Bob Arum na pumayag na si eight-division world titlist Manny Pacquiao sa lahat ng kondisyon ng Amerikano.

Sa panayam ni BoxingScene.com editor Steve Kim, inamin ng tagapayo ni Pacquiao na si Michael Koncz na handang-handa na sila sa $200M megabout at lagda na lamang ni Mayweather ang kanilang hinihintay.

“We kind of have a gag-agreement,” sabi ni Koncz. “But limited information to be released to the press. We’ve agreed to all the terms that we’ve negotiated with Floyd’s representatives. So now it’s up to Floyd to sign the contract.”

Ayon sa Canadian promoter, nalutas na ang hatian sa premyo, lugar at petsa ng sagupaan at random drug testing kaya ang aksiyon na lamang ni Mayweather ang hinihintay ng kanilang panig.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

“Everything has been agreed to, not one that is unresolved from our side,” giit ni Koncz na naniniwalang hindi na kailangan ang matinding promosyon sa laban. “Well, I believe relatively quickly but I don’t think we have to spend as much effort and time selling this fight as we do other fights.”

Idinagdag nito na kapag pumayag si Mayweather sa mga napagkasunduan, ang Pacquiao-Mayweather bout ang magiging pinakamalaking laban sa modernong kasaysayan ng boksing.

“This is a fight that people have been waiting for five, six, seven years and the media’s going to come to us. We don’t need to go to the media,” pahayag ni Koncz na nagsabing mayroon silang alternatibong plano kapag umayaw si Mayweather. “We have some back-up plans, so there’s going to be decisions made in the next week or so.”

Una nang sinabi ni Arum sa Yahoo Sports na pumayag na si Pacquiao sa lahat ng kondisyon ni Mayweather kaya nasa pasya ng Amerikano kung matutuloy ang sagupaan.

“I want to get some movement here, with bringing Mayweather to the table so we can go out and get everything signed and get the networks together and get the thing finished,” diin ni Arum. “I’m not trying to force anybody’s hand, I’m just saying, ‘Hey, we’ve agreed to everything, period.”

“The people we have talked to on Mayweather’s side have agreed to everything. Now we need Mayweather to step up and say, ‘Yeah, I’m on board. I agree,” dagdag ng Hall of Fame promoter. “I’m not going to put a deadline on there. I’m just going to hope that everybody does the right thing and we get this concluded. It would be really sad if we went through this stuff again like we did before.”