GUEST sa Aquino and Abunda Tonight si Jerome Ponce, ang isa sa cast ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita noong nakaraang gabi.

Bagamat loveteam sila ni Jane Oineza sa nasabing soap, agad-agad niyang inamin kay Kris Aquino na hindi niya nililigawan ang pretty teener.

“Close friends lang kami,” sey niya. Kahit may mga nasusulat nang may boyfriend na si Jane, malay natin, baka mauwi rin sa more-than-friends ang kanilang pagiging magkaibigan dahil sa naging sagot niya nang tanungin kung ano’ng tipo ng babae ang gusto niyang ligawan.

“Kailangang maging magkaibigan muna kami.”

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Katwiran ni Jerome, kapag friends muna sila ng girl, magiging komportable sila pareho at hindi na magtataguan ng sekreto sa isa’t isa.

Breadwinner si Jerome sa pamilya at sa edad 19 ay independent na siyang namumuhay magisa.

Kaya good decision sa aktor na maging priority muna ang career kaysa sa lovelife.

Aminado siya na after Be Careful With My Heart, marami nang nabago sa kanyang buhay. Hinahabol na rin siya ng fans saan man siya magpunta at kahit papaano raw ay nabibili na niya ang kanyang gustong bilhin.