Hindi susuko ang mga representante ng Bayan Muna Partylist na makukumbinsi ang Korte Suprema na pigilan ang gobyerno sa pagpapataw ng fare adjustments para sa MRT/LRT railway system, at sinabing isang supplemental pleading ang ihahain para sa pagpapalabas ng isang temporary restraining order.

Sinabi nina Reps. Neri Colmenares at Carlos Zarate na inihahanda na ang isang supplemental motion upang mapabilis ang pagpapalabas ng TRO na pipigil sa gobyerno mula sa pagtataas ng pasahe.

Ang dalawang mambabatas ang ilan sa dose-dosenang nagpepetisyon na hiniling sa High Court na ideklarang labag sa Konstitusyon at iligal ang pagtataas ng pamasahe na bumulaga sa commuters nang magbalik sila sa trabaho matapos ang Christmas holidays.

Hindi nagpalabas ang SC ng TRO laban sa fare adjustments na ipinataw ng Metro Rail Transit at Light Rail Transit Lines 1 and 2.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa isang en banc session, iniutos ng High Tribunal sa gobyerno na sagutin ang mga petisyon laban sa ligalidad ng pagtataas ng pasahe.

Sinabi ni Colmenares na kinikilala ng SC ang mga rason sa paghahain ng mga petisyon sa korte ng mga commuter at concerned leaders dahil inutusan nito ang gobyerno na sagutin ang mga ito.

“We still hope that the SC will issue a TRO because it is the commuters who are the ones suffering,” paliwanag niya.

Dagdag ni Colmenares: “We will try to file the supplemental pleading by next week based on what Department of Transportation and Communications (DOTC) Undersecretary (Usec.) Jose Lotilla said on last week’s hearing.”

Ayon kay Colmenares, ang opisyal ng DOTC ay nakagawa ng tatlong “fatal admissions” laban sa ligalidad ng MRT/ LRT fare hikes.

“No. 1 is that Usec. Lotilla admitted that the DOTC does not have the authority to increase fares, so the fare hike is illegal. No. 2, he also admitted that the MRT/LRT makes profit and that the fare hike would go to the concessionaire,” ani Colmenares, isang abugado.

Iginiit ni Colmenares na mayroong maliwanag na “treachery and deception” na nagawa ang Malacanang laban sa publiko “because they have not been fortright about these issues and are still doing all they can to justify the fare increase.” - Ben Rosario