Dalawang dating kampeon habang mamumuno ang kasalukuyang No. 1 rank Asian rider na Iranian sa pagpadyak ng pinakaaabangang 2015 Le Tour de Filipinas na magsisimula sa susunod na buwan sa Bataan.

Nagbabalik ang 2011 champion na si Rahim Emami na ngayo`y miyembro ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team, gayundin ang 2013 winner na si Ghader Mizbani na inaasahang babawiin ang titulo ng four-stage International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na ihahatid ng Air21 sa pakikipagtulungan ng MVP Sports Foundation at Smart.

Lalong nagpalakas sa delegasyon ng Iran at nagbabantang magpahirap nang husto sa title-retention bid ng pambato ng bansa na si Mark John Lexer Galedo ang pagsabak ni Mirsamad Poorseyediholakhour, ang kakampi ni Mizbani sa Tabriz Petrochemical Team na siya ngayong No. 1 sa Asia Tour.

Sa kasalukuyan, si Mizbani ay ranked No. 6 at No. 9 naman si Emami na lubhang malayo kay Galedo na nasa No. 67, ang pinakamagandang puwesto ng Filipino sa UCI Asia Tour ranking.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Hindi naman ito nakakapagtaka dahil mas maraming UCI sanctioned races ang nilahukan ng Iranians noong nakaraang taon.

Ang ikaanim na edisyon ng Le Tour ang siyang unang karera ngayong taon sa UCI Asia Tour calendar.

Ang karera na magsisilbi ring pagdiriwang ng ika-60 taon ng multi-stage road racing sa bansa ay magsisimula sa Pebrero 1 sa pamamagitan ng 126-km Balanga-Balanga (Bataan) Stage One, na susundan ng 153.75-km Balanga-Iba (Zambales) Stage Two, 149.34-km Iba-Lingayen (Pangasinan) Stage Three at magtatapos sa pamamagitan ng 101-km Lingayen-Baguio City Stage Four.

Labinlimang mga koponan na kinabibilangan ng 13 continental teams at tatlong national teams ang maglalaban para sa team honors ng Le Tour na inorganisa ng Ube Media na pinamumunuan ni Donna Lina-Flavier, katulong ang Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon bilang mga pangunahing tagapagtaguyod.

Maliban sa dalawang Iranian teams, ang iba pang foreign squads na kasali sa karera ay ang mga baguhan na Team Novo Nordisk ng US, ang unang professional cycling team na binubuo ng mga rider na nagtataglay ng Type 1 Diabetes—RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan, Singha Infinite Cycling Team ng Thailand at Kazakhstan National Team.

Kasama din nila ang mga nagbabalik na koponan sa karera na suportado rin ng Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX ang road partners Navitas Satalyst Racing Team ng Australia, CCN Cycling Team ng Brunei, Pegasus Continental Cycling Team ng Indonesia, Uzbekistan National Team, Terengganu Cycling Team ng Malaysia, at Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan.

Magiging kinatawan naman ng bansa ang Team 7-Eleven by Roadbike Philippines at ang Philippine National Team.