Kagagawan ng mga bandidong Abu Sayyaf at pangingikil ang nakikitang motibo ng Basilan Police Provincial Office (BPPO) sa huling pagsabog sa lalawigan na nangyari sa kinukumpuning farm-to-market road sa Lamitan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya sa Basilan Provincial Engineer’s Office, nangyari ang pagsabog dakong 9:00 ng gabi sa Barangay Parangbasak, Lamitan City.

Ayon kay Nasser Abdulgani, officer in charge ng BPPO, nawasak ang isang road roller na pag-aari ng pamahalaang panglalawigan makaraang itanim ang improvised explosive device ng mga bandido.

Sinabi ni Abdulgani na nakatanggap siya ng text message mula sa grupo ng nagpakilalang miyembro ng Abu Sayyaf at humihingi ng P900,000 matapos ang pambobomba.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Nagdagdag na ng tropa ang mga sundalo upang bantayan ang farm-to-market road sa naturang lugar.