Tuluyan nang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Amang,’ ilang oras bago dumating sa bansa si Pope Francis kahapon.

Ayon sa weather advisory, pumasok sa PAR ang bagyo sa pagitan ng 3:00 at 4:00 ng umaga.

Sinabi ng PAGASA na huling namataan ang sentro ng Amang sa layong 950 kilometro, silangan ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at may bugsong aabot sa 80 kilometro kada oras.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Napanatili ng bagyo ang bilis nito na 19 na kilometro bawat oras pa-kanluran-hilagang kanluran.

Gayunman, nilinaw ni Meno Mendoza, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na posibleng magrerecurve o lilihis ang bagyo paitaas.

“Kaya lang aabutin pa rin ng outer spiral itong Samar saka po sa bahagi ng Bicol area. Between January 16 and 17, lalapit po ito sa Bicol area at sa Eastern Visayas,” ani Mendoza.

Sa Sabado bibisita si Pope Francis sa Leyte.

Sinabi pa ni Mendoza na maaari ring ulanin ang Papa mass sa Luneta sa Linggo.