Ginapi ng reigning champion Far Eastern University (FEU) ang Ateneo de Manila University (ADMU), 2-0, upang makisalo sa University of the Philippines (UP) sa unang puwesto ng UAAP Season 77 men’s football tournament sa FEU Diliman pitch.

Nagsipagtala ng goals sina Paolo Bugas at Arnel Amita sa first half upang pangunahan ang Tamaraws at makihalubilo sa Fighting Maroons sa pamumuno na taglay ang kabuuang tig-13 puntos.

Gayunman, nakalalamang pa rin ang Diliman-based booters, dahil sa mas mataas na goal difference.

“I expect my teammates to do their best. Matapos naming matalo sa National University (before the Christmas break), sinabi namin na babawi kami sa 2015 which we started great against Adamson University,” pahayag ni Bugas na tinukoy ang kanilang naiposteng 9-1 panalo laban sa Falcons noong nakaraang Linggo.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sa iba pang laban, tinalo naman ng De La Salle University (DLSU) ang National University (NU), 2-1, para umangat sa ikatlong puwesto.

Isang header ang naipasok ni Gerald Layumas bago inasistihan ng kakamping si Chuckie Uy para sa isa pang goal sa first half upang pangunahan ang Green Booters na mayroon nang natipon na 12 puntos.

“Good thing we have two goals in the first half. We have the momentum,” ayon kay La Salle coach Hans Smit. “We look extra passes all the time. But we do lack finishing.”

Dahil sa kabiguan, bumaba ang Blue Eagles sa ikaapat na puwesto na taglay ang 11 puntos, may 1-point kalamangan sa Bulldogs na lumaro na may 10 katao lamang sa loob ng field sa huling 14 na minuto ng kanilang laban makaraang magawaran ng dalawanmg yellow cards si Elgen Antipolo.

Pumanglima ngayon ang Bulldogs na may 10 puntos.