Naghain ng reklamo ang dalawang tauhan ng Police Regional Office (PRO-11) dahil sa nakaing pandesal na may bulate sa binilhang department store sa Davao City noong Miyerkules ng hapon.

Nagkandasuka ang mga biktima na kinilalang sina PO1 Michael Angelo Daquiado at PO1 Reynaldo Florentino, na nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion (RPSB) na nakain ng tinapay na may bulate.

Ayon kina Daquia at Florentino kasama ang isang sibilyan na si Magdalena Rosario na bumili ng tinapay sa SM Premier Lanang, Davao.

Ang tinapay na ‘Kikik’ Bread ay gawa ng Bread Talk Bakery ay iniuwi ito sa Camp Quintin Merecido, Buhangin, sa nasabing siyudad. Nang kainin na ang tinapay ay natuklasan na may bulate sa loob nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inireklamo ng mga pulis sa Sta. Ana Police Station ang bakery.

Kaagad namang ipinatawag ang mga empleyado ng bakery na kinabibilangan ni Marilo Camangyan, 23, acting head ng customer service assistance; Ara Mae Lascuna Lomongsod, 26, Senior Customer Assistant ng Bread Talk Bakery, at Hermelindo Copas, operator ng mixer ng bakeshop.

Hiningan ng paliwang ang mga empleyado kung bakit may bulate ang kanilang produkto.