LOS ANGELES (Reuters)— Nakumpleto ng dalawang climber ang makasaysayang 19-araw na pag-akyat sa tuktok ng El Capitan ng Yosemite National Park sa California noong Miyerkules matapos maakyat ang 3,000-foot (900-metre) madulas na rock formation nang walang anumang kagamitan.

Sina Tommy Caldwell, 36, at Kevin Jorgeson, 30, ay nakatuntong sa tuktok ng El Capitan dakong 3:30 p.m., sinabi ni spokeswoman Jess Clayton ng clothing company na Patagonia na tumaguyod sa pag-akyat, sa isang email.

Ang dalawang lalaki, na unang nakaakyat sa tinaguriang Dawn Wall ng El Capitan nang walang gamit na bolts o climbing tools maliban sa mga lubid, ay nagsimulang akyatin ang bato noong Disyembre 27.
National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami