Kinontra ng dalawang grupo ng transportasyon ang panukalang pagbabawas ng 50 sentimos sa umiiral na mainimum fare sa pampasaherong jeepney.

Iginiit ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Zeny Maranan na hindi sila pabor sa panukala ng isa pang transport group na tapyasan pa ng 50 sentimos ang P7.50 minimum fare.

Sinabi ni Maranan, bagamat hindi nila kinontra ang pagbabawas ng piso mula sa P8.50 na minimum fare ay ilegal ang pagpapatupad nito dahil sa hindi dumaan sa public hearing.

Magugunita noong Disyembre ay ibinaba ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa P7.50 mula sa P8.50 na minimum fare bunsod na sunudsunod na tapyas sa presyo ng produktong petrolyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bagamat itinuturing na ilegal ang ipinatupad na bawas-pasahe, hinayaan lamang ito ng transport group dahil sa mababang presyo ng krudo.

Subalit nang obserbahan ng mga jeepney driver na hindi bumababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular ang piyesa ng sasakyan, pumalag na ang mga ito sa panukalang dagdagan ng 50 sentimos ang ibabawas sa pasahe sa pampublikong jeep.

Nabatid kay Efren De Luna, pangulo ng Alliance of Concerted Transport Organization (ACTO), sa isang pampasaherong jeep ay tatlong pamilya ang umaasa sa pang araw-araw na pangangailangan kagaya ng pagkain, baon sa eskuwela ng mga anak at iba pa.