Isinisi ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco ang pagbato ni Sen. Alan Peter Cayetano ng panibagong isyu hinggil sa pagiimbento umano ng mga kuwento ng oposisyon na nagbuhay din sa usapin nang paglalarawan ng senador kay Pangulong Aquino bilang “may topak” noong 2010 eleksiyon.

Sa kabilang nito, natuwa si Tiangco sa mga taga-suporta ni Cayetano sa pagsasabi ng isyu kaugnay sa pagiimbento ng mga kuwento kasunod ng isyu kung sino ang nagpondo sa TV advertisement ng Taguig kung saan tampok ang mambabatas.

“I am glad that Cayetano’s mouthpiece mentioned that the issues we raised on Taguig’s multimillion peso TV ads are a product of hallucination. The senator’s spokesperson brought the issue of head trips, it shows na namana rin nya ang hilig mag-imbento at mag-hallucinate,” sabi ni Tiangco.

Naalala ni Tiangco tinawag ni Cayetano na “may topak” si Pangulong Aquino noong 2010.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

“Nakalimutan na ba n’ya na si Cayetano ang nagsabing may topak si PNoy? Magkasama si Cayetano at GMA noon pang 2004 at kung anu-ano ang inimbento na kuwento laban kay FPJ (Fernando Poe Jr.). Now this guy dismisses the issue on funders of the Taguig TV ads a product of hallucination,” dugtong nito.

Nagulat si Tiangco na mistulang nawalan ng tapang si Cayetano na harapin ang media upang sagutin ang mga tanong kung sino ang nagbayad sa production at ad placement ng kanyang 15/30-seconder TV spot sa primetime.

Hinamon muli ni Tiangco si Cayetano na humarap sa publiko at ihayag ang buong detalye ng limangbuwang pamamayagpag ng patalastas sa telebisyon ng senador.