Janella Salvador

HINDI ba proud ang rock singer na si Juan Miguel Salvador sa anak niyang si Janella Salvador na gumagawa na rin ng pangalan sa showbiz?

Unang nasilayan ang batang aktres sa Be Careful With My Heart bilang anak ni Richard Yap at love interest ni Marlo Mortel na sa katagalan ay nagkaroon na ng followings.

Nagkaroon na rin ng mga TVC si Janella at hinangaan sa awiting Mahal Kita Pero na nanalong 3rd best song at MYX best music video sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod dito ay mainstay din si Janella sa Home Sweetie Home na kasama sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Nakakadalawang taon pa lang sa showbiz si Janella pero marami na siyang awards at programang nasalihan, kaya naman pinagkatiwalaan na siya ng ABS-CBN management na maging bida sa Oh My G! na mapapanood na simula sa Lunes, Enero 19 sa dating timeslot ng Be Careful With My Heart.

Curious kami sa nawawalang tatay o hindi nagpapakitang tatay ni Janella dahil nang huli pala silang nagkitang mag-ama ay anim na taong gulang pa lang ang dalagita.

Okay sana kung wala sa bansa ang sikat na singer noong 80' s, puwedeng excuse iyon, pero naririto lang pala sa Pilipinas at may regular gig sa Strumms sa Makati.

Mabuti na lang at napalaki si Janella ng maayos ng nanay niyang singer din na si Janine Desiderio kaya nang tanungin ang dalagita kung kumusta sila ng tatay niya ay ngumiti siya at sinabing hindi nga sila nagkikitang mag-ama.

Nalaman din namin na regular daw na dumadalo si Janella sa family reunion ng mga Salvador hoping na makita ang ama, pero hindi pa rin dahil hindi dumarating si Juan sa family affairs.

Samantala, naiibang kuwento ng pag-ibig ang Oh My G! dahil kuwento ito ng teenager na lumaking perpekto ang pamilya pero biglang nagiba ang mga pangarap dahil maagang nawalan ng magulang.

Ayon kay Janella, espesyal para sa kanya ang Oh My G! dahil bukod sa ito ang unang pagsabak niya sa lead role ay maghahatid din ang serye niya ng inspirasyon at mga aral sa mga manonood, lalo na para sa mga gaya niyang kabataan na napakaraming pinagkakaabalahan sa eskuwela, pamilya at maging sa social media.

Nabuo ang seryeng ito bilang handog sa ika-500 kaarawan ni St. Teresa of Avila sa Marso.

Makakasama ni Janella sina Marlo, Manolo Pedrosa, Sunshine Cruz, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman, Eric Quizon, Maricar Reyes at Janice de Belen mula sa direksyon nina Roni Velasco at Paco Sta. Maria.