TOKYO (AFP)— Inaprubahan ng Japan ang kanyang pinakamalaking depensa sa budget para sa susunod na fiscal year noong Miyerkules, sa pagpupursige ni ni Prime Minister Shinzo Abe na higit na mapalakas ang surveillance ng territorial waters sa harap ng nagpapatuloy na iriningan sa China.
Para sa taong ito hanggang sa Marso 2016, gagastos ang Tokyo ng 4.98 trillion yen ($41.97 billion), sinabi ng gobyerno. Ito ang “largest budget ever” ayon sa
defence ministry, matapos 4.96 trillion yen na alokasyon noong 2002.