Gagamitin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mobile radar nito na ibiniyahe na nitong Martes patungong Tacloban City, Leyte upang masubaybayan ang lagay ng panahon sa panahon ng pagbisita ni Pope Francis sa lugar.

Inihayag ni Aldczar Aurelio, weather forecaster ng PAGASA, na katatapos lang ng blessing at turnover ceremony ng mobile radar sa storm chaser team.

Paglilinaw naman ni Landrico Dalida Jr., chairman ng storm chaser team, halos pareho ang kapasidad ng regular at mobile radar, pero mas maliit ang nasasaklawang radius ng huli na 250 kilometro.

Ang naturang weather equipment ay magbibigay ng oras-oras na taya ng panahon sa mga local weather forecaster sa Samar at Leyte habang bumibisita sa lugar ang Papa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

May kakayahan din itong tumukoy kung may paparating na ulan sa loob ng 12 oras at ang actual rainfall amount.

Pagkatapos na magamit sa papal visit, kabilang na ang misa sa airport, pansamantala munang ipupuwesto ang mobile radar sa Guiuan, Eastern Samar habang kinukumpuni ang permanent radar sa lugar na binayo ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 8, 2013.