Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o mas kilala bilang “number coding” scheme sa Metro Manila sa Enero 15,16, at 19 kaugnay sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa.

Ang mga motorista ay malayang makadadaan sa mga pangunahing lansangan sa Kamaynilaan kasama na ang mga lungsod ng Makati at Las Pinas kaya ligtas din ang mga ito sa panghuhuli sa nasabing mga petsa na unang idineklarang ng Malacañang bilang special non-working holiday.

Dahil dito, asahan ng publiko ang mas masikip na trapik sa mga lansangan sa Metro Manila bunsod na rin ng mga aktibidad na nakalinya sa papal visit na inaasahang dadagsain ng milyun-milyong katao.
National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3