TALAVERA, Nueva Ecija - Isang 45-anyos na babaeng negosyante na dumalaw sa puntod ng kanyang ama kasama ang isang kaibigan ang pinagbabaril ng hindi nakilalang lalaki sa sementeryo sa Barangay San Ricardo noong Lunes ng gabi.

Sa report na isinumite ni Supt. Wilson A. Santos, hepe ng Talavera Police, kay Senior Supt. Crizaldo 0. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, kinilala ang nasawi na si Julieta Santos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Sugatan pero nakaligtas sa pag-atake ang kasama ni Santos na si Maricel Hipolito, 39 - anyos.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20