CHARLOTTE, N.C. (AP)– Nagtapos si Manu Ginobili na may 27 puntos sa kanyang 10-of-14 shooting at tinalo ng San Antonio Spurs ang Charlotte, 98-93, kahapon upang putulin ang winning streak ng Hornets sa limang laro.

Umiskor si Danny Green ng 18 puntos at nagdagdag si Tim Duncan ng 14 puntos at 10 rebounds upang tulungan ang defending champion na Spurs na talunin ang Hornets sa ikawalong sunod na pagkakataon.

Naipasok ni Ginobili ang isang driving layup kasunod ang isang 3-pointer sa fourth quarter matapos matapyas ng Hornets ang abante ng Spurs sa isa sa huling 4 minuto ng laro.

‘’In the past few games I’ve had the opportunity to have the ball in my hands a lot of times,’’ ani Ginobili. ‘’Sometimes it is not that easy against very athletic teams. Today I made a couple of shots and made better decisions, so I am happy about it.’’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang Spurs, ikapito sa Western Conference standings, ay naglaro sa ikalawang sunod na araw sa kanilang road trip. Susubukin ng defending NBA champions na tumulak sa standing sa kanilang paglalaro ng walo sa kanilang susunod na 10 laban sa kanilang bakuran.

‘’We had an opportunity to win some other games and we’ve blown them,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. ‘’Tonight we came through so it feels pretty good.’’

Si Kemba Walker ay gumawa ng 28 puntos sa kanyang 9-of-24 shooting matapos mag-average ng 30.2 puntos sa winning streak ng Hornets.

Si Bismack Biyombo ay nagtapos na may 12 puntos, 15 rebounds at 5 blocked shots sa kanyang paghalili kay Al Jefferson. Nagbalik si Lance Stephenson mula sa kanyang 14-game absence dahil sa pelvic sprain at nagtala ng 8 puntos sa loob ng 19 minuto.

Bagamat tangan ang kalamangan sa malaking bahagi ng laro, nahirapan ang Spurs na dispatsahin ang Hornets.

Dumikit ang Hornets sa 86-85 sa huling 4 na minuto matapos matapik ni Jason Maxiell ang nagmintis na free throw sa perimeter, kung saan naipasok ni P.J. Hairston ang isang 3-pointer na nagpaingay sa crowd.

Sinagot ito ni Ginobili, umatake sa kanang bahagi ng court, at ipinasok ang isang high-banking shot bago ang isang 3-pointer sa sumunod na possession para sa 6 puntos na bentahe.

Matapos nito ay ipinasa niya ang bola kay Tiago Splitters para sa layup upang itulak ang kalamangan sa 93-85.

Sinelyuhan ni Cory Joseph ang laro sa huling 2.3 segundo nang maipasok niya ang dalawang free throw.