Enero 15, 1967 sa kasagsagan ng world championship ng American football, tinalo ng Green Bay Packers ang Kansas City Chiefs, na may iskor na 35-10. Umabot sa 61,946 na spectator ang nanood ng laro.
Kumubra si Green Bay ng tatlong touchdown sa second half ng laro. Dahil sa pagkakapanalo, tumanggap ang bawat manlalaro ng $15,000. Tinanggap ng American Football League (AFL) founder na si Lamar Hunt ang terminong “Super Bowl,” ito ay pormal na ginamit noong 1969 para sa propesyunal championship games.
Taong 1970 nang pagsamahin ang AFL at National Football League bilang isang grupo na binubuo ng dalawang conference na may 13 teams.
Sa isang Super Bowl Sunday, natatayang nasa 80 hanggang 90 tagahanga ang sumubaybay ng laro sa kanikanilang telebisyon. Sa bawat 30-segundong patalastas para sa championship ay nagkakahalaga ng $2.5 million.