Piolo Pascual

BAGAMAT nakangiting sinagot ni Piolo Pascual ang tanong namin tungkol sa nasusulat noon pa na hindi raw niya tunay na anak si Inigo dahil anak daw ito ng nakatatanda niyang kapatid ay halatang nairita siya.

"How sad," sabi ng aktor. "Sa kanila na, sa kanila na 'yung bata."

Seryosong dagdag ni Piolo, "Hindi ko na kailangang i-prove 'yun. I mean, you know, that answer had been dealt with, hindi na kailangang (sagutin). Pathetic naman 'yun, manggagamit ka ng tao, hindi na kailangang patulan 'yung mga ganu'n."

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa tagal na raw niya sa showbiz, hindi na siya apektado ng mga isyu maliban na lang kapag anak niya ang nasaktan.

'Tve been dealing with it more than 10 years, ngayon pa ba? Papatulan ko pa ba 'yang mga ganu'n, eh, umabot na nga sa kung anu-anong issue. Hindi na. Okay naman, we're good," seryoso pa ring sabi ni Piolo.

Mabuti na lang daw at hindi naaapektuhan si Ifiigo ng mga isyu.

"He's very positive. Alam naman niya kasi na may mga tao talaga na may magtatanong, may mga tao na magsasabi ng ganito, ganyan. And what's important is what we have. So, okay naman 'yung bata, hindi siya showbiz at hindi rin siya naniniwala o nakikinig sa mga (intriga.)"

Samantala, nagdiwang ng kanyang kaarawan si Piolo noong Enero 12 at wala nga raw siyang planong gumimik kaya matutulog na sana siya pero bigla siyang tinawagan ng pamilya dahil may surprise dinner na inihanda para sa kanya.

"Dapat matutulog lang ako, eh. Eh, kaso, my family prepared a surprise dinner for me with some close friends last night. It's a stone's throwaway from where I live, nilakad ko lang and everyone was there.

"Okay naman, my son was there, Ym happy because he spent the last three days with me. When I arrived from the States, he made sure na wala siyang work, siya mismo ang nagpa-block off, kasi he's starting a movie now, mas busy pa nga sa akin ang anak ko, eh.

"So, sabi ko, 'just let me know when you're free, ako ang mag-a-adjust sa schedule mo'. Wow!" masayang kuwento ng aktor.

Sa edad na 38 ay halos nakamit na ni Piolo ang lahat ng mithiin sa buhay, maliban sa partner in life. Kaya ang wish niya sa kanyang kaarawan ay para sa anak niyang si Inigo.

"Hindi kasi madali ang pinasukan niya, 'kala niya kasi, nakikita niya ako, ganu'n lang kadali 'yun, di ba? So, ang wish ko lang, ang prayer ko lang, huwag niyang makalimutan 'yung pinag-usapan namin, huwag niyang kalimutan 'yung core niya.

"Di ba kasi once na ma-corrupt na 'yan, once na maka-experience na ng success, fame, money, adulation, baka pumunta sa utak, eh. So 'yun lang ang pini-pray ko. Na huwag niyang kalimutan 'yung pinagsimulan," paliwanag ni PI.

Kaya balik-tanong kay Piolo, hindi ba niya wini-wish na magka-lovelife?

"He (Inigo) turns 18 this year and I still have 2 more years before I turn 40, so I guess, it will come at a right time. Gusto ko sana this year, pero I promised my son because lumaki siya sa States, hindi ko nabigyan ng oras, so every chance that we get to spend time with each other, mas gusto ko itutok sa kanya para at least, kung anuman 'yung pagkukulang ko sa kanya during the last few years na hindi ko siya kasama, bago man lang siya mag-18, magawan ko ng paraan," sagot ng aktor.

Kung halimbawang mag-asawa siya, hindi ba siya maalangan na mag-alaga ng sanggol?

"Gusto ko, kasi hindi ko naman naranasan 'yun sa anak ko, eh. Hindi siya lumaki sa akin, so gusto kong maranasan 'yun."

Samantala, si Inigo raw ang nagdesisyong hindi na nito itutuloy ang singing career sa Amerika kasama sa boy band na pangarap ng bagets na sinegundahan na rin ng magulang nito.

"Because they're asking for minimum of three years, matagal, eh, 'tapos exclusive siya. We got endorsements here, there's some work to do, so conflict of interest. He chose to be here because we can spend time together. 'Pag tinali siya roon (US), we can't spend time together.

"He knows about it, nakausap niya 'yung dapat na magiging manager niya doon. They still wanna push for him, should he try Hollywood, should he try do a recording career in the States, tutulungan pa rin daw siya. Pero more than anything, gusto pa rin ng bata dito," kuwento ng proud dad ng bagets.