JAKARTA/SURABAYA, Indonesia (Reuters) – Sinimulan na ng Indonesian investigators ang pagsusuri noong Miyerkules sa black box flight recorders mula sa eroplano ng AirAsia na bumulusok mahigit dalawang linggo na ang nakalipas, at umaasahang makahanap ng mga clue sa sanhi ng trahedya sa loob ng ilang araw.

Naiahon ng mga diver mula sa Java Sea ang flight data at cockpit voice recorders nitong linggo mula sa nakalubog na wreckage ng Flight QZ8501, na bumulusok sa kalagitnaan ng dalawang oras nitong biyahe mula Surabaya City, Indonesia patungong Singapore noong Disyembre 28, 2014.

Patay ang lahat ng 162 kataong sakay nito.

“In one week, I think we will be getting a reading,” ani Mardjono Siswosuwarno, head investigator sa National Transportation Safety Committee, sa Reuters.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang flight data recorder ng Airbus A320-200 ay aabutin lamang ng 15 minuto para ma-download, ngunit pag-aaralan ng mga imbestigador ang hanggang 25 oras ng data at ilan libong flight parameters na sumasakop sa mga bagay tulad ng flying speed, altitude, fuel consumption, air pressure changes at inputs sa aircrafts controls.