ITATAMPOK sa Maalaala Mo Kaya (MMK) ngayong Sabado (Enero 17) ang life story ng binging beauty queen na si Christine Balaguer, isa sa Top 13 candidates sa Miss World Philippines pageant ngayong taon.

Gaganap bilang Christine ang Miss Universe Philippines 2010 na si Venus Raj.

Tuklasin kung paano namuhay si Christine na puno ng pangarap at pag-asa at kung gaano niya nabigyang inspirasyon ang mga gaya niyang pipi at bingi at iba pang may pisikal na kapansanan upang patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Makakasama ni Venus Raj sa MMK episode sa Sabado, 7:15 PM, sina Carmi Martin, Matt Evans, Anna Luna, Brenna Garcia, Dexie Daulat, Marnie Lapus, EJ Jallorina, at Lui Manansala, mula sa script ni Ruel Montañez at sa direksyon ni Nuel Naval.
National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko